HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Edukasyon sa Pagpapakatao / Senior High School | 2024-09-06

Basahin at unawain ang kuwento at sagutin ang mga tanong sa ibaba.Tulungan ang mga HalamanGMRCMay anunsyo sa radyo at TV na dadaan ang Bagyong Glenda sa Southern Luzon bandang hatinggabi omadaling-araw. Lumalakas ang hangin at pagsapit ng ala-una ng madaling-araw ay narinig na ang ingay na tilailang bubong na ang nagliliparan. Paggising kinaumagahan ay nakita namin ang maraming punongkahoy nanabuwal. May mga nabali at naputulan ng mga sanga. May mga paso ng mga halaman na nabasag at mgahanging plants na nilipad. Ang daming kalat sa labas ng bahay at sa daan. Karamihan ay mga dahon at sangang mga nabuwal na puno.Pagkakain namin ng agahan, pumunta na kami sa aming bakuran at nagsimulang maglinis ng mganabaling sanga at mga nakakalat na dahon. Itinayo namin ang mga nabuwal na mga halaman na maaari pangmabuhay. Inayos ang mga halaman sa paso at dinagdagan ng lupa. Buong araw kaming nag-ayos at naglinis.Alam namin na ang mga halaman at puno ay may buhay rin na maaaring sagipin kaya dapat na ayusin.Simula noon, araw-araw na naming inaalagaan ang mga halaman na likha ng Diyos. Pahalagahan atmahalin upang ang dulot nitong kabutihan ay manatili sa atin.Gabay na tanong:1. Ano ang madalas na pinsala sa puno at halaman pagkatapos ng bagyo?2. Paano inayos ang mga halamang nasira ng bagyo?​

Asked by ailenelaynesa14

Answer (1)

Answer:1. Madalas na pinsala sa puno at halaman pagkatapos ng bagyo ay ang pagbuwal ng mga puno, pagkaputol ng mga sanga, pagkabasag ng mga paso ng halaman, at paglipad ng mga hanging plants.2. Inayos ang mga halamang nasira ng bagyo sa pamamagitan ng paglinis ng mga nabaling sanga at nakakalat na dahon, pagtatayo ng mga nabuwal na halaman, pag-aayos ng mga halaman sa paso, at pagdaragdag ng lupa.

Answered by JibsCutaran | 2024-09-06