Kapag nagtatrabaho sa grupo para sa isang proyekto, magbigay ng respeto sa ideya ng iba at makipagtulungan ng maayos.Kapag may mga gawain sa bahay tulad ng pag-aalaga sa mga kapatid, tumulong ng mabuti at respetuhin ang karapatan ng bawat isa na magkaroon ng oras para sa sarili.Kapag sumasali sa mga community events o volunteer work, igalang ang opinyon ng iba at makipagtulungan sa mga gawain.Kapag oras ng klase, pahalagahan ang oras ng guro at igalang ang karapatan ng bawat estudyante na matuto at magtanong.Kapag pumipili ng extracurricular activities tulad ng sports o arts, igalang ang interes ng iba at tiyakin na ang iyong sariling interes ay maayos ding naisasagawa.Kapag may hindi pagkakaintindihan sa pamilya o mga kaibigan, magbigay ng respeto sa mga saloobin ng iba at makinig ng maayos.Kapag may kaklase na nangangailangan ng tulong sa pag-aaral, tumulong nang maayos at igalang ang kanilang karapatan sa magandang edukasyon.Kapag nakikilahok sa mga talakayan sa paaralan, igalang ang opinyon ng iba at magbigay ng magalang na sagot. Kung mali ang sagot ng isa, huwag itong pagtawanan, bagkus itama lamang siya ng mahinahon kung ito ay nararapat.Kapag sumasali sa mga club activities sa paaralan, galang ang mga ideya ng iba at magtrabaho nang maayos sa grupo.Kapag may batang nangangailangan ng kausap o suporta, magpakita ng malasakit at igalang ang kanilang nararamdaman. Huwag ipagsabi ang kanilang problema o saloobin sa iba dahil ito ay pagsira sa kanilang tiwalang ibinigay sayo.