Answer:Kung ako ay isang mabuting kaibigan siguro handa ako makinig sa mga problema niya sa buhay. Susuportahan ko siya sa mga nais niyang makamit at ituturo ko o magbibigay ako nang mga payo sa kung ano ang dapat niyang gawin kapag may problema siya at kapag may nais siyang gawin upang mas mapunta siya sa tamang direksyon ay bibigyan ko siya nang mga tip o advice. Tutulungan ko rin siya kung nahihirapan siya sa isang gawain. Kakamustahin at pupuntahan kung kinakailangan, mapasaya lamang siya. Higit sa lahat ay ipaparamdam na siya ay mahalaga at may naniniwala sakanya na kaya niyang maabot o makamit ang nais niya.