HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Filipino / Elementary School | 2024-09-05

Basahin ang isang halimbawang pananaliksik.WIKANG GAMIT NA PANTURO SA PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG MUNOZ:ISANG PAGSUSURI(Isang Pananaliksik)ni John A. Ocampo,PhDABSTRAKAng pag-aaral na ito ay naglayong masuri ang wikang ginagamit na Panturosa Mataas na Paaralang Pambansa ng Muñoz, Nueva Ecija. Ang mag-aaral mula saBaitang 7 hanggang 10 ang nagsilbing respondente ng pag-aaral. Ang pag-aaral ayisinagawa ng taong panuruan 2016-2017. Sa pagsuri ng mga datos, ginamit ng may-akda ang deskriptibong pagmamarka. Ito ay sinuri gamit ang Statistical Package forSocial Sciences (SPSS).Lumabas sa isinagawang pag-aaral na karamihan sa mga respondente aykababaihan na may 76.00 bahagdan. Karamihan sa mga respondenteng sumagotay may edad 12-13. Sa kabilang banda, may 49.26 na bahagdan ng mgarespondente ay Filipino ang unang wikang gamit. Samantala, may 79.92 nabahagdan ng mga respondente ay Filipino ang pangalawang wikang gamit. Angkaraniwang buwanang kita ng pamilya ay 10,000.00 at pababa. Sa bilang naman ngmiyembro ng pamilya mula sa 50.00 na bahagdan ay may bilang na 5-6 sa pamilya.Sa antas ng edukasyong natapos ng mga magulang, ang tatay ng mgarespondente, may 197 na bilang o 48.28 na bahagdan ay high school graduates.Samantalang karamihan sa natapos ng nanay ng mga respondenteng sumagot aycollege undergraduates na may 188 na bilang o 46.08 na bahagdan.5Sa mga dahilan ng pagsang-ayon sa Filipino bilang paraan ng pagtuturo aynasa antas na lubos na sumasang-ayon na may average weighted mean na 4.48.Para sa mga dahilan ng di-pagsang-ayon sa Filipino bilang paraan ngpagtuturo ay nasa antas na di-makapagpasya na may average weighted mean na3.00.Samantala, sa wikang ginagamit sa mga gawaing pang-akademiko ng mgarespondente, lumabas sa resulta ng pag-aaral na Filipino ang pinakagamitin sa mgagawaing pasalita sa mga gawaing pang-akademiko.Sa pagsusuri ng mga dahilan ng pag-aaral ng Filipino, ang mga dahilan ngpag-aaral ng Filipino ay nasa antas na lubos na sumasang-ayon na may averageweighted mean na 4.63.Pinatutunayan naman na malaki ang kaugnayan ng baitang (.398**),pangalawang wikang gamit (-.383**) at bilang ng miyembro ng pamilya (.471**) nalubos na nakaapekto sa wikang gamit na panturo.Samantala, hindi naman nakaapekto ang mga paktor ng mga mag-aaral atguro sa wikang gamit na panturo sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Muñoz,Nueva Ecija sa kabuuang marka ng mga respondente sa pag-aaral sa asignatura.Mga Tanong:1. Tungkol saan ang binasang abstrak ng pananaliksik?2. Tukuyin ang layunin ng pananaliksik na binasa.3. Kailan isinagawa ang pananaliksik?​

Asked by salazaraleks02

Answer (1)

Answer:Narito ang mga sagot sa iyong mga tanong batay sa binasang abstrak: 1. Tungkol saan ang binasang abstrak ng pananaliksik?Ang abstrak ay tungkol sa pagsusuri ng wikang ginagamit na panturo sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Muñoz, Nueva Ecija.2. Tukuyin ang layunin ng pananaliksik na binasa.Ang layunin ng pananaliksik ay masuri ang wikang ginagamit na panturo sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Muñoz.3. Kailan isinagawa ang pananaliksik?Ang pananaliksik ay isinagawa sa taong panuruan 2016-2017.

Answered by lepitenremejoyce | 2024-09-08