Ang Budismo o Budhismo (Sanskrit: Buddha Dharma, nangangahulugang: "Ang Daan ng Naliwanagan") ay isang relihiyon o pilosopiya na nakatuon sa mga aral ni Buddha Śākyamuni (Siddhārtha Gautama), na marahil namuhay noong ika-5 siglo BCE.Ang dalawang mga pangunahing sangay ng Budismo ay pangkalahatang kinikilala: ang Theravada ("Ang Paaralan ng mga Nakatatanda") at Mahayana ("Ang Dakilang Sasakyan"). Ang Theravada ay may malawakang mga tagasunod sa Sri Lanka, Timog Silangang Asya. Ang Mayahana ay matatagpuan sa buong Silangang Asya (Tsina, Korea, Hapon, Vietnam, Singapore, Taiwan, etc.) at kinabibilangan ng mga tradisyon ng Dalisay na Lupain, Zen, Budismong Nichiren, Budismong Tibetan, Shingon, at Tiantai (Tendai). Sa ilang mga klasipikasyon, angVajrayana na pangunahing sinasanay sa Tibet at Mongolia at mga kalapit na bahagi ng Tsina at Rusya ay kinikilala na ikatlong sangay samantalang ang iba ay umuuri dito bilang bahagi ng Mahayanan. Bagaman ang Budismo ay nananatiling pinakasikat sa loob ng Asya, ang parehong mga sangay nito ay matatagpuan na ngayon sa buong mundo. Ang mga Budismo sa buong mundo ay tinatayang sa pagitan ng 350–500 milyon [3][4][5] o sa pagitan ng 1.2 - 1.7 bilyon.[6][7][8] Ito ay kinikilala rin bilang isa sa pinakamabilis na lumalagong relihiyon sa buong mundoAng mga eskuwela ng Budismo ay iba-iba sa eksaktong kalikasan ng landas tungo sa kalayaan, ang kahalagahan at kanonisidad ng iba't ibang mga katuruan at kasulatan at lalo na ang kanilang mga respektibong kasanayan.[13] Ang mga pundasyon ng tradisyong Budista at kasanayan ang Tatlong Hiyas (Triple Gem/Tirattana). Ang Tatlong Hiyas ay ang Buda (Ang naliwanagan), ang Dharma (Mga katuruan ng Buda), at ang Sangha (Komunidad ng mga Budista). Ang pagkanlong sa Tatlong Hiyas ay tradisyonal na isang paghahayag at pagtatalaga ng sarili sa pagiging nasa landas na Budista at sa pangakalahatang ay nagtatangi ng isang Budista mula sa isang hindi-Budista.[14] Ang ibang mga kasanayan ay maaaring kabilangan ng mga sumusunod na mga patakarang etikal; pagsuporta sa pamayahanang monastiko; pagtakwil sa nakagawiang pamumuhay at pagigign isang monastiko; pag-unlad ng pagiging mapagmasid at pagsasanay ng pagninilay-nilay; pagpapalago ng mas mataas na karungungan at pagkawari; pag-aaral ng mga kasulatang Budista; mga pagtutuong kasanayan, mga seremonya at sa tradisyong Mahayana ay paghimok ng mga buddha at bodhisattva