Iba Ka!Sa panahong ito na talamak ang korupsiyon sa maraming sangay ng pamahalaan at maging sa pribadongtanggapan, mahirap paniwalaang may mga tao pa ring matapat at mapagkakatiwalaan. Lalo pa ngayon nabatbat ng kahirapan, ang taong matapat ay may kahirapan nang matagpuan. Mga taong matapat atmapagkakatiwalaan, iyan ang kulang sa lipunan.Pero nangibabaw si Ma. Fe Sotelo, isang security guard na nagsauli ng Php 500,000 na naiwan ng isangChinese sa comfort room ng isang mall. Sa katulad ni Ma. Fe na kakarampot lamang ang suweldo, ang Php 500,000,00 ay malaki nang halaga para mabili ang mga pangunahing kailangan niya sa buhay. Maaaring hindi niyaiyon isauli at angkinin na lamang. Pero hindi ganyan ang ginawa ni Ma. Fe. Hindi raw niya maaatim na gastusinang perang hindi naman niya pinagpaguran. Hindi kaya ng konsensiya niya.Napakaganda ng panuntunan ni Ma. Fe sa buhay. Sana ay ganyan din ang maging panuntunan ng mgaopisyales sa pamahalaan na walang takot kung mangurakot sa pera ng bayan. Ganyan sana ang maging ugaling mga mayayamang negosyante na nandadaya sa pagbabayad ng buwis. Maraming hindi matapat atmapagkakatiwalaan sa Department of Public Works and Highways, Bureau of Internal Revenue, Bureau ofImmigration, Bureau of Customs at Philippine National Police at marami pang departamento.Nagsasagawa ng pagroronda si Ma. Fe sa Festival Mall sa Alabang, dalawang linggo na ang nakararaan,nang isang belt bag ang kaniyang natagpuan sa comfort room ng mga lalaki sa basement parking lot. Hindinagsayang ng panahon si Ma. Fe, dinampot ang bag, tiningnan ang laman at nagimbal sa nakabalumbongpera. Madali niyang dinala ang bag sa kaniyang hepe at makalipas lamang ang ilang oras, natunton angmay-ari ng bag- si Wang Chao Wei, isang negosyante mula sa Tiangxi, China. Nagtayo ng negosyo rito si Wei.Inalok ni Weing perang pabuya si Ma. Fe pero tinanggihan iyon ng dalagang sekyu.Bihira na nga ang mga nilalang na katulad ni Ma. Fe. Maaaring wala na nga siyang katulad sa mga opisyal atempleyado sa DPWH, Customs, Immigration, at BIR. Kung matutuloy ang pangarap niyang maging miyembrong PNP madadagdagan ang bilang ng matapat na pulis. Kapos sa taas si Ma. Fe kaya hindi siya matanggapbilang pulis subalit nagbigay ng pag-asa si PNP Chief Hermogenes Ebdane na maaari siyang mapabilang sapolice force.Mga Tanong:1.Ano ang kahanga-hangang ginawa ni Ma. Fe?2. Paano naiiba ang mga aksyon ni Ma. Fe sa mga karaniwang ginagawa ng mga tao sa kaniyang katayuan?Ano ang mga posibleng kadahilanan ng kaniyang mga aksyon?3. Sa tingin mo, sa kabila ng kahirapan bakit hindi nagpatukso si Ma. Fe na kunin ang pera?4. Ano ang mga pagpapahalaga at birtud na ipinamalas ni Ma. Fe?5. Ano ang mga hakbang na maaaring gawin ng lipunan upang hikayatin ang iba pang mga tao na magingkatulad ni Ma. Fe?
Asked by agbacolod15
Answer (1)
Ano ang pinapahalagahan ni joven sa Buhay na na is niyang abotin