Ang pulbura o gunpowder ay orihinal na binuo ng mga alchemist ng dinastiyang Tang na nagsisikap na lumikha ng potion para sa imortalidad. Naghalo sila ng iba't ibang kemikal, kabilang ang sulfur, charcoal, limestone, lead, at potassium nitrate, na kilala rin bilang saltpeter. Kapag nalantad o na-expose sa apoy ay sasabog ito.