HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In History / Elementary School | 2024-09-05

Sinong prayle ang nagbunyag ng lihim ng katipunan sa gobernador-heneral?

Asked by jemlouisericohermoso

Answer (1)

Answer and explanation: AGOSTO 19, 1896 NABUNYAG ANG LIHIM NG KATIPUNANBunga ng alitan sa kapwa katipunero na si Apolonio Cruz tungkol sa promosyon sa tanggapan ng Diario de Manila, sinabi ni Teodoro Patiño sa kanyang kapatid na babae na si Honoria Patiño ang tungkol sa samahan. Pinakiusapan niya iyong umuwi na sa kanilang lalawigan sa Visayas upang makaligtas sa gulo rito. Naikwento ng babae ang lahat ng sinabi ng kapatid kay Madre Sor Teresa de Jesus na siya namang nagkwento kay Padre Mariano Gil, ang kura paroko ng Tondo. Pinilit ng madre si Patiño na isiwalat ang lahat ng kanyang nalalaman tungkol sa plano ng Katipunan.Noong Agosto 19,1896 sa ganap na ika-6 ng gabi, ikinumpisal ni Teodoro ang lihim kay Padre Mariano Gil.Sumalakay sa talyer si Padre Mariano Gil kasama ng gwardya sibil at sa kanilang paghahalughog ay natuklasan ang mga katibayang sinabi ni Patiño. Dahil dito, natuklasan ang lihim ng Katipunan.Sa pagkakatuklas na ito, marami sa mga Pilipino ang naaresto at napagbintangang kasapi ng samahan. Pinulong ni Andres Bonifacio ang mga katipunero sa Balintawak. Pagkatapos nilang magpulong, nagpunta sila sa Pugad Lawin noong Agosto 23,1896 at doon ay napagkasunduan nilang ituloy ang rebolusyon. Isinigaw nila ang mga katagang ''Ligtas na tayo sa pagkaalipin! Mabuhay ang Katagalugan!" matapos punitin ang kanilang mga sedula.Dito nagsimula ang himagsikan sa Pilipinas.Sumalakay ang mga katipunero noong Agosto 30,1896 sa San Juan del Monte sa bodega ng pulbura ng mga Kastila.Dahil sa kakulangan ng armas, natalo ng mga Kastila ang mga katipunero. Sanhi nito, maraming mga Pilipino ang namatay.Isinailalim ni Hen. Ramon Blanco sa batas militar ang walong lalawigang nasa estado ng pakikidigma. Ang mga lalawigang ito ay ang BULACAN, Cavite, Pampanga, Maynila, Nueva Ecija, Laguna, Tarlac at Batangas.Nagkaroon ng labanan sa iba't ibang pook ng bansa. Nagalit ang mga Kastila at gumawa ng marahas na hakbang. Marami sa mga kababayan natin ang pinahirapan,ikinulong sa Fort Santiago at pinatay. Kaya't hindi nawala ang galit ng mga pilipino sa mga Kastila at patuloy silang nakipaglaban.

Answered by buddy265644 | 2024-09-05