In Edukasyon sa Pagpapakatao /
Senior High School |
2024-09-04
Hayaang maranasan ang tunay at malalim nitong mensahe. Hindi natin malilimutan ang mga karanasan na nagkaroon ng malalim na epekto sa ating pagkatao. Mas magiging malalim ang mensaheng maibibigay ng aral ng pananampalataya kung ito ay mararanasan sa pang-araw-araw na buhay. Halimbawa, kung ang nais ipaunawa sa mga kasapi ng pamilya ay tungkol sa pasasalamat na turo ng Diyos, mahalagang isama ang buong pamilya sa pagbibigay na hindi naghihintay ng anumang kapalit tulad ng pagbibigay sa mga nangangailangan. Maaari din namang ituro sa mga kasapi ng pamilya ang kabutihan sa pamamagitan ng pagsasanay sa bawat isa na magsulat ng mensahe ng kabutihan sa bawat araw at ilagay ito sa lugar na madalas puntahan ng mga kasapi ng pamilya (hal. refrigerator, sa hapag kainan, o sa facebook page).
Asked by princessdanilamilall