Answer:8. bantay-salakay9. nagtataingang kawali10. ulilang lubos
MGA KAHULUGAN:Nagtataingang kawali — Naglalarawan sa taong nagbibingi-bingihan; hindi nakikinig sa taong kausap.Halimbawa: Nagtataingang kawali na lamang si Fidel Sa mga pagkakataon na siya ay inaaway ni Klay.Pasang-krus — Naglalarawan sa taong naghihirap sa ilalim ng sarili nilang pananagutan o ng iba.Halimbawa: Pasang-krus si Florante dahil sa mga moro.Bantay-salakay — Naglalarawan sa mga taong mapagsamantala. Sinasabi nilang sila ay katanggap-tangap, ngunit sila ay nagpapanggap lamang.Halimbawa: Bantay-salakay ang mga kapatid ni Don Juan na sina Don Pedro at Don Diego noon pa man.Ulilang-lubos — Naglalarawan sa taong wala ng magulang.Halimbawa: Sa pagbalik naman ni Crisostomo Ibarra sa Pilipinas, nalaman niya na siya ay ulilang-lubos dahil pumanaw na ang kaniyang ama.Nawa'y nakatulong ako, magpabuti pa sa mga darating!