Kabayanihanni Lope K.SantosAng kahulugan mo'y isang paglilingkodna walang paupa sa hirap at pagod;minsang sa anyaya, minsang kusang-loob.pag-ibig sa kapwa ang lagi mong Diyos.Natatalastas mong sa iyong pananimiba ang aani't iba ang kakain:datapwa't sa iyo'y ligaya na't aliwang magpakasakit nang sa iba dahil.Pawis, yaman, dunong, lakas, dugo, buhay...pinupuhunan mo at iniaalay,kapagka-ibig mong sa kaalipinanay makatubos ka ng aliping bayan.Sa tulong mo'y naging maalwan ang dukha,sa turo mo'y naging mulat ang mulala.tapang mo'y sa duwag naging halimbawa'tang kamatayan mo ay buhay ng madla.Tikis na nga lamang na ang mga tao'ymapagwalang-turing sa mga tulong mo:ang kadalasan pang iganti sa iyoay ang pagkalimot, kung di paglililo.