HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Filipino / Junior High School | 2024-09-03

Indibidwal na GawainA.Panuto: Basahin ang maikling kuwento sa ibaba at sagutin ang mga tanong pagkatapos nito. Ibahagi ang iyongkaranasan tungkol dito.Isang hapon habang nag-uusap ang mag-asawang sina Mang Arnel at Aling Rosel ay hindi sinasadyangnarinig ng anak na si Carmie ang usapan. "Isang linggo na lang daw ang bukas ng pabrika, mahina na angproduksyon at magsasara na muna ito habang hindi pa natatapos ang pandemya," wika ni Mang Arnel. "Paanokaya ito? Mauubos na rin ang ating naiipon"" nag-alalang tugon ni Aling Rosel. Mawawalan ng trabaho angkanyang ama at mauubos na rin ang panggastos nila sa araw-araw."Huwag kang mag-alala, may naisip akongnegosyo dito sa bahay. Marunong naman akong magkumpuni ng mga sirang kagamitan tulad ng telebisyon atelectric fan," wika ni Mang Arnel sa asawa. "Ako nama'y magluluto ng meryenda na maaaring mailako sa mgakapitbahay. May-awa ang Diyos, makakaraos din tayo," umaasang sagot ni Aling RoselMga Tanong:1. Sino-sino ang mga nag-uusap isang hapon?2. Ano ang kanilang pinag-usapan?3. Sino ang nakarinig sa kanilang pinag-usapan?4. Ano ang sinabi ni Mang Arnel sa asawa?5. Ano ang pinangambahan ni Aling Rosel?6. Ano ang naisip ni Mang Arnel?7. Ano naman ang naisip ni Aling Rosel?8.Kung ikaw si Carmie, ano ang gagawin mo upang makatulong sa iyong mga magulang?9-10. Anong kaparehong karanasan ang maiuugnay mo sa maikling kuwento?.​

Asked by 627kristeldeclaro

Answer (1)

Answer:Ang kuwento ay tungkol sa mag-asawang sina Mang Arnel at Aling Rosel na nag-uusap tungkol sa pagkakasara ng pabrika kung saan nagtatrabaho si Mang Arnel. Narinig ito ng kanilang anak na si Carmie. 1. Ang mga nag-uusap isang hapon ay sina Mang Arnel at Aling Rosel.2. Sila ay nag-uusap tungkol sa pagkakasara ng pabrika kung saan nagtatrabaho si Mang Arnel.3. Nakarinig ng kanilang usapan si Carmie, ang kanilang anak.4. Sinabi ni Mang Arnel sa asawa na may naisip siyang negosyo sa bahay sa pamamagitan ng pagkukumpuni ng mga sirang kagamitan.5. Pinangambahan ni Aling Rosel ang posibilidad na mawawalan ng trabaho ang kanyang asawa at maaaring maubos ang kanilang ipon.6. Naisip ni Mang Arnel na magtayo ng negosyo sa bahay sa pamamagitan ng pagkukumpuni ng mga sirang kagamitan.7. Naisip naman ni Aling Rosel na magluto ng meryenda na maaaring ibenta sa kanilang kapitbahay.8. Kung ako si Carmie, maaaring magtulong ako sa aking mga magulang sa pamamagitan ng pagtulong sa negosyo nila sa pamamagitan ng pag-aasikaso ng mga bagay-bagay sa bahay o sa pagtulong sa pagbebenta ng produkto.9-10. Ang kaparehong karanasan na maiuugnay ko sa maikling kuwento ay ang pagtitiwala sa isa't isa at ang pagiging handa sa mga pagsubok ng buhay. Sa mga oras ng kagipitan, mahalaga ang pagtutulungan at pagsisikap upang malampasan ang anumang hamon na dumarating.Sana nakatulong ito! PLEASE READ THIS ⇩Please do not delete my answer, last time someone delete it!

Answered by darkmon12098 | 2024-09-03