HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Araling Panlipunan / Senior High School | 2024-09-03

ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng teoryang mainland origin hypothesis at Island origin hypothesis​

Asked by roderick04pulhin

Answer (1)

Ang Mainland Origin Hypothesis at Island Origin Hypothesis ay dalawang teorya na naglalarawan kung paano nangyari ang paglipat ng mga tao sa mga isla ng Pilipinas at Timog-Silangang Asya.Ito ay parehas na nagpapaliwanag kung paano nagkaroon ng migrasyon papunta sa Pilipinas ngunit magkaiba naman ang sinasabing pinagmulan ng mga tao ng bawat teorya.Mainland Origin HypothesisIto ay teoryang nabuo ni Peter Bellwood. Ayon dito, ang mga unang tao sa Pilipinas ay nagmula sa mainland Asia, partikular sa mga lugar tulad ng Timog Tsina at Taiwan. Ipinapahayag ng teoryang ito na ang mga tao ay naglakbay mula sa mga lupaing ito papunta sa mga isla.Island Origin HypothesisAng teoryang ito ay inilahad ni Wilhelm Solheim II. Sa teoryang ito, sinasabi na ang mga unang tao ay nagmula sa mga isla ng hilagang Indonesia at Mindanao, at mula roon, sila ay lumipat patungong hilaga, papunta sa mga isla ng Pilipinas.

Answered by EmeraldsInHerEyes | 2024-09-13