Sa kwentong "Bantugan," ang tunggalian ay umiikot sa mga laban ni Prinsipe Bantugan laban sa kanyang kapatid, ang hari ng Bumbaran, na nainggit sa kanya. Dahil dito, umalis si Bantugan sa kaharian. Nakipaglaban din siya sa sariling damdamin ng kalungkutan at kawalan ng lugar. Namatay siya sa gitna ng kanyang paglalakbay ngunit nabuhay muli sa tulong ng kanyang mga kaibigan at Diyos-Diyosan. Nakipaglaban siya para sa kanyang kaharian laban sa mga kaaway at sa huli ay nagtagumpay, ibinalik ang kapayapaan sa Bumbaran.