HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Araling Panlipunan / Senior High School | 2024-09-03

GAWAIN 2Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong1. Ano ang Pasong Tirad at saan matatagpuan ito?2. Paano ginamit ni Heneral Gregorio del Pilar ang estratehikongposisyon ng Pasong Tirad sa kanilang laban kontra sa mgaAmerikano?3. Ano ang naging epekto ng pagkakadiskubre ng likuran ng PasongTirad ng mga Amerikano sa resulta ng labanan?4. Ano ang naging papel ni Januario Galut sa labanan sa Pasong Tiradat bakit siya tinawag na traydor?5. Ano ang naging huling sandali ni Heneral Gregorio del Pilar saPasong Tirad at paano ito naging simbolo ng kanyang pagmamahalsa bayan?​

Asked by sherylmendoza241978

Answer (1)

Mga kasagutan:1.) Pasong Tirad ay isang makasaysayang lugar sa Ilocos Sur, kilala sa Labanan sa Tirad Pass noong Disyembre 2, 1899.2.) Ginamit ni Heneral Gregorio del Pilar ang matarik at makitid na daan upang harangin ang mga sundalong Amerikano habang pinatatakas si Emilio Aguinaldo.3.) Nang madiskubre ng mga Amerikano ang likuran ng Pasong Tirad sa tulong ni Januario Galut, napaligiran at natalo ang grupo ni Del Pilar.4.) Si Januario Galut ay tinawag na traydor dahil itinuro niya sa mga Amerikano ang daan sa likod ng posisyon ng mga Pilipino.5.) Sa huling sandali, si Del Pilar ay lumaban hanggang sa huli bilang simbolo ng sakripisyo at pagmamahal sa bayan, na tinawag na “Bayani ng Tirad Pass.”

Answered by PrincessUmbriel | 2025-08-11