HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Araling Panlipunan / Senior High School | 2024-09-03

Kumbensyon sa tejerosLayunin:Magdiwang sagotMagdalo sagot​

Asked by ervilsantari

Answer (1)

Mga Layunin ng Kombensyon sa TejerosPagtatatag ng Pamahalaang Rebolusyonaryo - Ang pagpupulong ay itinawag upang pag-usapan ang pagtatatag ng isang pamahalaang rebolusyonaryo na papalit sa Katipunan bilang pangunahing tagapamuno ng rebolusyon laban sa mga Espanyol. Layunin nitong magkaroon ng mas maayos at organisadong pamumuno upang mas mapagtagumpayan ang laban.Pagresolba ng Alitan sa pagitan ng Magdiwang at Magdalo - Ang Magdiwang at Magdalo ay dalawang sangay ng Katipunan na may magkakaibang pananaw at opinyon sa pamumuno. Ang layunin ng Tejeros Convention ay mapag-isa ang dalawang grupo upang magkaroon ng isang sentralisadong pamahalaan.Ang partido ng Magdiwang ay pinamumunuan ni Mariano Alvarez ay sumusuporta kay Andres Bonifacio bilang Süpremo ng Katipunan at naniniwalang ang Katipunan ay dapat magpatuloy bilang pangunahing organisasyon ng rebolusyon. Ang grupo na ito ay nakabase sa Cavite, partikular sa bahagi ng Noveleta.Ang Magdalo naman ay pinamumunuan naman ni Emilio Aguinaldo. Ang grupoong Magdalo ay naniniwalang kinakailangang magtatag ng isang bagong pamahalaang rebolusyonaryo upang maging mas organisado ang pamumuno ng rebolusyon. Ang Magdalo ay nakabase rin sa Cavite, sa Kawit at iba pang kalapit na bayan.

Answered by EmeraldsInHerEyes | 2024-09-03