Ang Island Origin Hypothesis ay isang teorya na nagmumungkahi kung paano nagkaroon ng mga tao sa Pilipinas at iba pang bahagi ng Timog-Silangang Asya. Ang teoryang ito ay inilahad ni Wilhelm Solheim II, isang Amerikanong antropologo. Sa teoryang ito, ang mga Austronesian ay nagmula sa Mindanao at Indonesia at hindi sa mainland Asia. Ayon sa Island Origin Hypothesis, ang mga unang tao sa Pilipinas ay nagmula sa mga isla sa paligid, tulad ng mga isla ng Indonesia at Mindanao. Ipinapakita nito na ang mga tao ay naglakbay mula sa mga isla patungo sa Pilipinas, hindi mula sa mga lupaing nakapatong sa lupa.Ang mga sinasabing mga taong ito ay mahusay na mga mandaragat gamit ang mga bangka. Ang kanilang kakayahan sa pandarayuhan ay nagbigay-daan sa kanila upang makapunta sa iba't ibang isla. Ang teoryang ito ay nagpapakita na may mga ugnayan at kalakalan sa pagitan ng mga tao sa iba't ibang isla, na nagpalakas sa kanilang kultura at kaalaman.May mga arkeologo o mga eksperto na naniniwalang hindi sapat ang mga ebidensya mula sa arkeolohiya at linggwistika para masabing ang teoryang ito lamang ang tama. May mga arkeologo na naniniwala na hindi isang beses lamang naganap ang migrasyon ng mga tao. Sa halip, ito ay isang proseso na may maraming yugto, kung saan ang mga tao ay patuloy na lumipat mula sa isang isla patungo sa iba.Upang malaman mo kung ano pa ang iba pang mga teorya sa migrasyon, maari mong tignan ito:https://brainly.ph/question/32233653https://brainly.ph/question/32249049