HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Filipino / Senior High School | 2024-09-02

ang talamBuhay ni Dr Jose P. Rizal ​

Asked by loretocardeno488

Answer (1)

Si Dr.Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19,1861. Ang kaniyang mga magulang ay sina G.Fransico Mercado at Gng. Teodora Alonzo. Ang kanyang ina ang naging unang guro niya, maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna. Nakapagtapos siya ng Batsilver sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23,1876 na may mataas na karangalan.Noong 1877 ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng iba't ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris at Heidelberg. Ang kanyang dalawang nobela "Noli Me Tangere" at "El Filibusterismo" naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila.

Answered by peralta482813170031 | 2024-09-02