Ang mahalagang papel ng pamilya sa lipunan ay reproduksiyon, sosyalisasyon, at istruktura.Ang reproduksyon ay ang pagdadagdag ng bagong miyembro ng lipunan sa pamamagitan ng pagluluwal ng bagong anak ng mag-asawa.Ang sosyalisasyon ay mahalaga sa pagbuo ng katauhan ng isang indibidwal upang sila ay matuto ng pakikitungo sa mga tao sa loob at labas ng pamilya. Ang sosyalisasyon ay unang natatanggap mula sa pamilya at mga kasama sa bahay.Ang istruktura at nagbibigay ng ideya sa isang indibidwal kung paano dapat gumana at ayusin ang mga relasyon sa kapwa. Dito nagkakaroon ng ideya ang indibidwal kung anong role at mga responsibilidad ang dapat niyang gampanan upang maging maayos ang mga relasyon sa kanyang buhay.