HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In History / Senior High School | 2024-09-02

pinanigan nang permanenteng korte ng arbirtrasyon nanng hague ang pilipinas sa pagsasabing hindi legal ang 9-dashline nang china ​

Asked by reynaldodagsa167

Answer (1)

Tama; hindi pinanigan ng Permanent Court of Arbitration (PCA) sa ang 9-dash line na makikita sa mga mapang gawa sa Tsina. Ang kasong ito ay inihain ng Pilipinas laban sa Tsina noong 2013 at noong Hulyo 12, 2016 ay nanalo ang ating bansa.Nakalulungkot at nakagagalit na patuluyan parin itong winawalang-galang at hindi sinusunod ng Tsina lalo na dahil sa impluwensya nila sa dating pangulo na si Rodirigo Duterte na hindi ipinaglaban ang ating mga teritoryo at karapatan bilang isang bansa. Sa ngayon, tumitindi ang teensyon at panggagambala ng hukbong pandagat ng Tsina kung saan hindi lamang ang ating hukbong pandagat kundi pati ang mga ordinaryong mamamayan tulad ng mga mangingisda at mga marine researchers. Kailangan pa rin ipaglaban ng ating bansa at gobyerno ang ating mga karapatan sa ating mga kalupaan at katubigan dahil sa paglilitis sa Hague, ang mga sumusunod na katotohanan ay lumitaw sa imbestigasyon:Pinagpasyahan ng tribunal na ang 9-dash line ng Tsina, na sumasaklaw sa halos buong South China Sea, ay walang legal na batayan sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). Sinabi ng hatol na hindi maaaring i-angkin ng Tsina ang historical rights sa mga yamang matatagpuan sa loob ng mga lugar na sakop ng 9-dash line.Nilinaw din ng tribunal ang kalagayan ng iba't ibang maritime features sa South China Sea, na nagsasabing wala sa mga inaangking lugar ng Tsina ang maaaring makapagbigay ng exclusive economic zone (EEZ) o continental shelf. Marami sa mga ito ay tinukoy bilang mga bato o mabababang lugar na lumilitaw lamang kapag low tide, na nagbibigay lamang ng 12-nautical-mile na territorial sea.Natuklasan ng tribunal na nilabag ng Tsina ang soberanyang karapatan ng Pilipinas sa loob ng EEZ nito sa pamamagitan ng pakikialam sa pangingisda at paghahanap ng langis, pagtatayo ng mga artipisyal na isla, at pagkabigong pigilan ang mga mangingisdang Tsino sa pangingisda sa loob ng zone. Natuklasan din na nagdulot ang Tsina ng malubhang pinsala sa kalikasan sa dagat sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga artipisyal na isla at hindi pakikipagtulungan sa ibang mga estado sa pangangalaga sa kalikasan.

Answered by GreatGatsby | 2024-09-03