Ang Animismo ay isang sinaunang paniniwala na may mga espiritu o kaluluwa ang mga bagay sa kalikasan tulad ng mga puno, bundok, at ilog.Kinakatawanan ito ng mga ritwal, alay, at pagsamba sa mga espiritu o anito na pinaniniwalaang tagapagbantay ng kalikasan at ng mga tao.Kailangan gawin ang mga ritwal, alay, at pagsamba upang magbigay-galang at humingi ng pabor mula sa mga espiritu o anito.Ang mga "Katalonan" at "Babaylan" ay mga tagapamagitan sa mga espiritu at tao, na gumaganap ng mga ritwal at seremonyang panrelihiyon.Ang "Bayoguin" at "Bissu" ay mga babaylan o spiritual leaders na kadalasang binababae o nagtataglay ng parehong katangian ng lalaki at babae sa sinaunang lipunan.Ang pagdating ng agrikultura at pagkatuto ng pagtatanim ay mahalagang yugto na nagpabago sa pamumuhay at sibilisasyon ng mga tao sa Timog-Silangang Asya.Ang pagkatuto ng pagtatanim, pag-aalaga ng hayop, at paglikha ng mga kasangkapang yari sa metal ang nagbigay daan sa mas maunlad na pamumuhay.Ang mga kagamitan na yari sa metal, tulad ng mga palakol at espada, ay mga bagong kagamitan sa panahong ito.Ang paggamit ng mas makabagong mga kasangkapan at ang pagsasagawa ng mga ritwal na panrelihiyon ay nagpapakita ng katangian ng kultura sa panahong ito.A. Pamahalaan at Lipunan - May mga pinuno o datu na namumuno sa mga barangay, at ang lipunan ay may malinaw na istruktura ng mga antas.B. Mitikal na Paniniwala - Naniniwala ang mga tao sa mga anito, espiritu, at sa kapangyarihan ng mga babaylan sa kanilang pamumuhay.C. Sining at Musika - Ang sining at musika ay ginagamit sa mga ritwal, pagdiriwang, at pagpapahayag ng kanilang mga paniniwala at damdamin.