Ngunit sinasabi rin ni Scheler na dahil na rin sa hindi pagkakapantay-pantay naito, kailangang sikapin ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng pagbabahaging yaman ng bayan. Hindi dahil maliit ang manlalaro ng basketbol hindi na siyakailanman magiging mahusay at masaya sa kaniyang paglalaro. Hindi niya maaabotang naaabot ng matangkad ngunit mayroon siyang magagawa sa bukod-tangi niyangparaan na magpapaiba sa kaniya sa matangkad. Kailangan lamang niya ng tiwala atpagkakataon.