Ang pangkat ng mga taong gumagamit o nagsasalita ng Austronesian ay tinatawag na (1) Austronesian peoples . Nanirahan sila sa gawing Timog-Silangang Asya, Polynesia, at Oceania. Ayon sa mga pag-aaral, ang mga unang dumating na Austronesian ay nanatili sa Hilagang Luzon at nadatnan ang mga Austral-Melanasian na nauna nang nanirahan doon. Sa paglipas ng panahon nagkaroon ulit ng (2) migrasyon hanggang sa kumalat na sila sa buong kapuluan hanggang sa mga isla ng Celebes, Borneo, at Indonesia.Ayon sa arkeologong Australian na si (3) Peter Bellwood, isang dalubhasa sa mga pag-aaral ng populasyon sa Timog-silangang Asya at sa (4) Austronesian Migration Theory, ipinaliwanag sa kanyang pag-aaral ang dahilan ng pagkakatulad sa kultura, (5) wika , at pisikal na katangian ng mga bansa sa Asya.