Mainland Origin HypothesisNaniniwala na ang mga sinaunang tao sa Pilipinas ay nagmula sa mainland Asia, partikular sa mga lugar tulad ng China at Taiwan. Ginamit nila ang mga tulay-lupa na umiiral noon, na nag-uugnay sa mainland Asia sa mga isla ng Pilipinas. Ang migrasyong ito ay tinatayang naganap noong panahon ng yelo, kung saan bumaba ang lebel ng dagat at lumitaw ang mga tulay-lupa.Island Origin HypothesisIpinapaliwanag na ang mga sinaunang tao ay hindi nagmula sa mainland Asia kundi mula sa mga kalapit na isla sa Southeast Asia, tulad ng Indonesia. Ayon dito, gumamit sila ng mga bangka o tumawid sila sa dagat upang makaráting sa Pilipinas, sa halip na mga tulay-lupa.PagkakatuladParehong teorya ay nagsisikap ipaliwanag ang pinagmulan ng mga sinaunang tao sa Pilipinas at kung paano sila nakaráting dito.Nagbibigay sila ng mga posibleng ruta ng migrasyon patungo sa kapuluan.