HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Filipino / Junior High School | 2024-09-02

Mga gawain pars MDL-FILIPINO 4 (September 2, 2024)Tandaan: (kopyahin at sagutan sa kwaderno)A. Ang salitang ugat ay ang pinakapayak na anyo ng isang salita, walang kasamang anumang panlapi. Ito angnagsisilbing batayan ng salita at nagbibigay ng pangunahing kahulugan. Halimbawa, sa salitang "tulog," ang"tulog ang salitang-ugat.Ang panlapi naman ay mga kataga o mga pantig ne idinadagdag sa unahan, gitna, o hulihan ng isang salitang-ugat upang makabuo ng bagong salita na may panibagong kahulugan. Ang mga halimbawa ng panlapi ay"mag-" (maglaro), "-in" (kainin), at "-an" (tulugan).Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag at ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit.Isulat ang salitang-ugat ng mga salitang may salungguhit sa Hanay A at isulat naman ang panlaping ginamit sasalita sa Hanay B.1. Sa panahon ng lindol, makararanas tayo ng pagyanig ng lupa.2. Una, pag-usapan kasama ang pamilya ang tungkol sa lindol.3. Habang lumilindol, huwag nang umalis sa puwesto.4. Kung ikaw ay mayroong mga kasama, kailangang hindi kayo magkakahiwalay5. Pagkatapos, umiwas sa mga sirang gusali para maiwasan ang pagguho nito.Salita2.3.4.5.Salitang-ugatPanlapiB. Ang pangatnig ay bahagi ng pananalita na ginagamit upang mag-ugnay ng mga salita, parirala, o sugnay saloob ng isang pangungusap. Kabilang dito ang mga salitang tulad ng "at," "ngunit," "subalit," at "dahil." Angpangatnig ay mahalaga sa pagbibigay ng lohikal na koneksyon at pagkakaisa sa mga ideya sa isangpangungusap.Panuto: Ikahon ang pangatnig sa bawat pangungusap.1. Mabigat ang trapiko kaya nahuli ako sa klase.2. Nagulinis siya ng silid habang nakikinig siya sa radyo.3. Magbabasa ako ng aklat o manonood ako ng telebisyon.4. Hindi kumikibo si Mario kapag malapit si Anna sa kanya.5. Huwag mo siyang tularan sapagkat masama ang ginagawa niya.6. Sasabay sana ako kay Maricar pauwi subalit nakaalis na pala siya.7. Hindi pumasok sa paaralan si Nelia dahil sumakit ang kanyang ngipin.8. Hindi siya matipid sa pagkain palibhasa marami ang perang baon niya.9. Uuwi ako nang maaga para matulungan ko si Nanay sa mga gawaing bahay.10. Naghintay si Nanay sa sala hanggang dumating si Tatay mula sa opisina.​

Asked by panganibankimalexis3

Answer (1)

Pinal na kasagutan:Salita – Salitang-ugat – Panlapi1.) pagyanig – yanig – pag-2.) pag-usapan – usap – pag-/-an3.) umalis – alis – um-4.) magkakahiwalay – hiwalay – magka-5.) umiwas – iwas – um-Pangatnig:1.) kaya2.) habang3.) o4.) kapag5.) sapagkat6.) subalit7.) dahil8.) palibhasa9.) para10.) hanggang

Answered by PrincessUmbriel | 2025-08-10