HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Filipino / Senior High School | 2024-09-02

Buod ng “Ang Kalupi” ni Benjamin Pascual Isang araw, lumabas si Aling Marta at tumungo sa pamilihan upang bumili ng garbansos dahil paborito ito ng kanyang anak na magtatapos ng highschool sa araw na iyon. Pagkapasok niya sa pamilihan, siya ay nabangga ng isang batang lalaki na nakasuot ng maruming maong at punit na kamiseta. Pinagalitan ni Aling Marta ang bata at tumungo kay Aling Godyang upang mamili. Dumukot sa bulsa si Aling Marta ngunit wala ang kanyang kalupi. Naalala niya ang batang bumangga sa kanya at agad na hinabol ito sapagkat ito ay hindi pa nakakalayo. Inakusahan niya ang bata at tumawag pa ng pulis ngunit wala sa bata ang nawawalang kalupi. Ipinilit ni Aling Marta na ang bata talaga ang siyang nagnakaw kaya pumunta sila sa outpost. Pilit na gustong paaminin ni Aling Marta ang bata kaya’t sinaktan niya ito. Nagpumiglas ang bata at nakawala. Tumakbo siya patungo sa maluwang na daan ngunit siya ay nabangga ng isang humahagibis na sasakayan. Mga ilang sandali bago siya namatay, pagatol-gatol niyang sinabi na wala silang makukuha sa kanya. Pagkatapos nito, tuluyang pumanaw ang bata. Umalis sa outpost si Aling Marta at nangutang upang makabili ng ulam para sa hapunan. Noong siya ay pauwi, natatanaw na niya ang kanyang mag-ama. Nagtatakang nagtanong ang kanyang anak kung saan niya nabili ang ulam. Nagsinungaling si Aling Marta at sinabi na ginamit niya ang pera mula sa kanyang pitaka. Sinabi ng kanyang asawa na naiwan niya ang kanyang pitaka at nawalan siya ng malay habang paakyat ng hagdanan.​

Asked by rosemarie02deleeon

Answer (1)

Si Aling Marta ay nagkamaling akusahan ang isang batang lalaki na nagnakaw ng kanyang pitaka. Hinuli niya ito at ipinahiya sa publiko. Nang hindi ito umamin, pinilit niya pa ito hanggang sa tumakbo ang bata at nabundol ng sasakyan. Sa huli, natuklasan na naiwan lang pala ni Aling Marta ang pitaka sa kanilang bahay. Napagtanto niya ang kanyang malaking pagkakamali, ngunit huli na ang lahat.

Answered by Storystork | 2025-04-22