Ang Austronesian ay tumutukoy sa isang malaking pamilya ng mga wika at mga tao na nagmula sa rehiyon ng Austronesia. Ang Austronesia ay sumasaklaw mula sa Madagascar sa kanluran, hanggang sa mga pulo ng Pasipiko tulad ng Hawaii at Easter Island sa silangan. Kabilang dito ang mga wika tulad ng Malay, Indonesian, at Tagalog.Ang teoryang Mainland Origin Hypothesis ni Peter Bellwood ay nagsasaad na ang mga Austronesian ay nagmula sa mainland Asia, partikular sa rehiyon ng Taiwan. Ayon sa teoryang ito, ang mga tao mula sa Taiwan ay naglakbay sa pamamagitan ng dagat patungong iba pang mga pulo sa rehiyon ng Austronesia, dala ang kanilang mga wika at kultura.Ang Teorya ng Austronesian Migration ay nagpapakita na ang mga ninuno ng mga Pilipino ay nagmula sa mga Austronesian na tao na naglakbay mula sa Taiwan patungo sa Pilipinas. Ang mga migrasyong ito ay naganap mula 3000 BCE hanggang 1500 BCE, kung saan ang mga Austronesian ay nagdala ng kanilang wika, kultura, at mga kasanayan sa pangingisda at pagsasaka, na naging batayan ng kulturang Pilipino.Ang patuluyang pag-aaral at pag-aalaga ng kaalaman tungkol sa ating mga ninuno, sa ating mga tradisyon, wika, at kasaysayan ay mabisang pagpapahalaga. Dahil sa teknolohiya at mga museo, napakadali nang matuto nang higit pa tungkol sa ating pagkakakilanlan bilang Pilipino. Napakadali na rin ipagmalaki at ipalaganap ang kaalaman tungkol sa ating bansa, kultura, kasaysayan, at mga wika dahil pwede natin ito i-share ang tamang impormasyon sa social media tulad ng Brainly, Facebøok, Yøutube, Tîktok, at iba pa.