Answer:Kapahamakan. Ang pagkakaroon ng maling paniniwala at kaalaman ay maaring magdulot ng kapahamakan. Maaring magdesisyon kang gawin ang mga bagay na sa tingin mo ay tama ngunit di pala eto nararapat. Halimbawa, Naniniwala ka na di nakakatulong sayo ang gamot para lunasan ang iyong karamdaman. Maari itong magdulot ng paglala ng iyong karamdman. Isa pa ay naniniwala ka na OK lang mangodiko dahil lahat ng kaibigan mo ay gumagawa neto. Ito ay hindi katanggap tanggap at di kailanman magdudulot ng kabutihan sayo.