Ang tungkulin ng bawat Pilipino na pangalagaan at ipagtanggol ang bansa ay matatagpuan sa Artikulo IV, Seksyon 4 ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987. Ito ay nagpapakita ng responsibilidad ng bawat mamamayan na ipagtanggol ang kanilang bansa at makilahok sa mga gawaing makabansa.Ayon as Artikulo IV, Seksyon 4 ng Saligang Batas, "Ang mga mamamayan ng Pilipinas ay may tungkulin na maging tapat sa Republika at respetuhin ang watawat, ipagtangol ang gobyerno at umambag sa kaunlaran." Bagamat may mga tungkulin ang mga mamamayan na nakasaad sa Saligang Batas, may mga limitasyon pa rin sa mga tungkulin ng mga mamamayan upang matiyak na ang mga karapatan at responsibilidad ay hindi nagiging dahilan ng paglabag sa karapatan ng iba o sa kabutihan ng lipunan.Mga Limitasyon sa Pagtatanggol ng BansaPaggalang sa Karapatan ng Iba - Ang isang mamamayan ay hindi dapat gumawa ng aksyon na makakasagasa o makakasira sa karapatan ng ibang tao.Pagsunod sa Batas - Ang mga tungkulin ay dapat isagawa sa loob ng balangkas ng umiiral na batas. Halimbawa, ang pagprotekta sa gobyerno ay hindi dapat isama ang anumang uri ng karahasan o ilegal na aktibidad.Pambansang Seguridad at Kaayusan - Ang mga limitasyon sa mga karapatan at tungkulin ng mga mamamayan ay maaari ring ipataw para sa kapakanan ng pambansang seguridad at kaayusan. Halimbawa, sa mga sitwasyong nagbabanta sa seguridad ng bansa, maaaring ipatupad ang mga checkpoint, curfew, travel ban, at iba pang makatuwirang mga limitasyon.Moralidad at Kalusugang Pampubliko - Ang anumang aksyon na nagdudulot ng panganib sa kalusugan ng publiko ay hindi nararapat gawin.Pagpapanatili ng Katarungan at Kaayusan - Ang mga tungkulin ng mga mamamayan ay dapat isagawa sa paraang nakakatulong sa pagpapanatili ng kaayusan at katarungan sa lipunan. Ang sinumang mamamayan na lumalabag sa mga prinsipyo ng katarungan at kaayusan ay maaaring mapanagot.