Sa unang araw ng klase ay labis ang aking kaba, iniisip ko kung ano ang sunod na mangyayari. Kahit na nasanay na'ko sa gan'to iba parin ang pakiramdam sa tuwing may mga bagong kaklase. Siyempre, studyante ako kahit papaano ay may pagka-galak akong nararamdaman sa unang klase kasi magkakaroon ako ng mga bagong kaybigan at makikilala kona ang bagong guro. Masaya ang unang araw dahil nakikipag get along ka sa iba, getting to know each other kumbaga. Dahil nga unang araw ng klase ay marami tayong nag panggap na tahimik lang pero ang totoo isa rin palang madaldal. Masaya pala kapag may nakikilala kang bagong mga kaklase sa bago mong room na pinapasukan, maliban sa magkakaroon ka ng matalik na kaybigan matututo karing makipag socialize sa kanila. Hindi naman talaga mawawala ang kaba sa mga gano'n kasi iniisip mo yung mangyayari sa susunod na oras. Iniisip mo kung gano'n parin ba at walang magbabago. Masaya ang unang araw ng klase ko, puro lang kasi kami tawa at parang walang problemang mangyayari. Napansin korin na iilan rin ang tahimik masyado halatang hindi sanay sa mga bagong kaklase. Akala ko hindi magiging masaya ang unang araw. Maayos pala kahit papaano.