Pamilya - Ito ay batayang yunit ng lipunan na isa sa pangunahing institusyong naitatag sa lipunan.Nukleyar - Anyo ito ng pamilya na binubuo lamang ng mga magulang (ina at ama) at mga anak.Ekstended - Anyo ito ng pamilya na binubuo hindi lamang ng ama, ina, at anak kundi ng iba pang kaanak tulad ng lola, lolo, o mga kapatid ng mga magulang.Patriyarkal - Ang pinakamatandang lalaki ang kinikilalang pinakamakapangyarihan o pinuno sa pamilya.Matriyarkal - Ang babae ang kinikilalang may kapangyarihang magpasiya at mamuno sa tahanan.Kasal - Ito ang nagpapatibay sa pagsasama ng mag-asawa at tinatanggap na pamamaraan sa pagbuo ng pamilya.Monogamy - May mga bansa sa Timog Silangang Asya na naniniwala na dapat ay isa lamang ang asawa kaya't ang sistema ng kasal ay tinatawag na.Polygamy - Mayroong mga lipunan sa Timog Silangang Asya na pinahihintulutan ang pag-aasawa ng higit sa isa na tinatawag na.Matrilineal - Mayroong mga bansa sa Timog Silangang Asya na ang kinikilalang kamag-anak lamang ay iyong mga kaanak ng ina.Egalitarian - Ito ay anyong pamilya na kung saan ang pamumuno at pagpapasaya sa pamilya ay nakaatang sa kapwa lalaki at babae. Sa anyong ito, ang mag-asawa ay magkahati sa kapangyarihan.