Nakatuon ang saliksik na ito sa iba't ibang tradisyonal na manggagamot sa Barangay Bantog,Calepaan, Domanpot, at Sobol sa munisipalidad ng Asingan, Pangasinan. Mangangagasang kanilang kabuuang katawagan sa iba't ibang tradisyonal na manggagamot sa lugar:albolaryo, faith healer, agal-alaw, agat-atang, agsansantiguar, mangngilut, at mannuma. Sa pamamagitan ng apat na napiling barangay ay maaaring maipakita ang mga umiiral na iba't ibang uri ng tradisyonal na manggagamot na nasa Asingan, Pangasinan. Tinungo ng pag-aaral na ito ang pagtuklas sa iba't ibang tradisyonal na manggagamot sa lugar, mga sakit na kanilang ginagamot, pamamaraan ng kanilang panggagamot, at ang kanilang mga karanasan bilang tradisyonal na manggagamot sa lugar. Sumangguni sa nakapaloob na teorya, metodo, at gamit ng Sikolohiyang Pilipino ang pag-aaral. Makaaambag ito sa kultural na mga pag-aaral at saliksik pangkalinangan patungkol sa mga tradisyonal na manggagamot sa Asingan, Pangasinan. Sa pag-aaral ay fhilatag ang mga iba't ibang salik sa kung paano tinitingnan ng mga naninirahan sa Asingan ang konsepto ng kalusugan at ang kanilang pagkakasakit. Naniniwala ang mga residente na ang sakit ay maaaring may kinalaman sa kararwa o kaluluwa na nananahan sa panloob na bahagi ng katawan, di balanseng relasyon ng katawan at kapaligiran, at ang natural na pagkakasakit na sanhi ng ating mga kinakain at iba pang salik pangkapaligiran. Ang mga salik pisikal, pangkapaligiran, sosyal, at espiritwal ang nagtatagni at nagsusuhay sa pananatili ng mangngagas sa kabila ng moderno at globalisadong panahon.
Ilagay sa bawat line yung saan ito s'ya naka paloob
E identify kung ano ito s'ya na part ng pag sulat sa abstract
Asked by jamaicahcueto100
Answer (1)
Ang abstract na ito ay nagbibigay ng isang maikli at tumpak na buod ng talata, na nagbibigay-daan sa mga mambabasa na maunawaan ang pangunahing paksa at layunin ng pag-aaral.Sana nakatulong Ako