1. Paano nangangalap ng pagkain ang sinaunang tao noong panahon ng Paleolitiko? 2. Anong kakayahan ang natutunan ng sinaunang tao upang magkaroon ng liwanag ang madidilim na kuweba na nagsisilbi nilang tahanan at nakakatulong na malabanan ang lamig ng panahon? 3. Ano ang kakayahan ng Homo Habilis? 4. Ano ang tawag sa uri ng sinaunang tao na may kakayahan na maglakad at tumayo ng tuwid? 5. Ano ang kakayahan ng Homo Sapien Sapien? 6. Anong yugto ng sinaunang panahon nagsimula ang Agrikultura? 7. Ano ang pangunahing kasangkapan ang ginagamit ng sinaunang tao noong panahon ng Paleolitiko? 8. Anong uri ng sinaunang tao ang bumuo ng mga unang lunsod o siyudad? 9. Anong kakayanan ang natutunan ng sinaunang tao na naging dahilan upang hindi na sila magpalipat-lipat ng lugar upang makakuha ng makakain? 10. Bakit tinawag na Prehistoriko ang panahon ng Paleolitiko?