HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Araling Panlipunan / Senior High School | 2024-09-01

Anong gamit ng isang Maginoo​

Asked by quintanoagustina

Answer (1)

Ang mga sinaunang pamayanang Tagalog ay may tatlong uri na istrukturang panlipunan na binubuo ng maginoo (dugong bughaw o naghaharing uri), ang maharlika (mga malalaya; mandirigma), at ang mga alipin (manggagawa o mga karaniwang tao). Ang mga maaari lamang mag-angkin ng namamanang aristokrasya ay ang mga kabilang sa antas ng maginoo. Ang kanilang katanyagan ay nakasalalay sa katanyagan ng kanilang mga ninuno (bansag) o sa kanilang kayamanan at katapangan sa labanan (lingas). Sa pangkalahatan, kapag mas malapit ang isang angkan ng maginoo sa puno (royal founder) ng isang lipi (lalad), mas mataas ang kanilang katayuan.[1]Ang mga kabilang sa antas ng maginoo ay tinawag na Ginoo. Ang mga wastong pangalan sa mga marangal na maginoo ay pinasisimulan gamit ang Gat (pinaikli para sa "pamagat" o "pamegat", na orihinal na kahulugan ay "panginoon", bagaman nangangahulugang "titulo" sa modernong Tagalog) para sa mga lalaki at Dayang (babae) naman para sa mga babae, na nagsasaad ng Panginoon at Ginang. Ang titulong Panginoon ay nakalaan para sa partikular na makapangyarihang maginoo na namuno sa malaking bilang ng mga nasasakupang tao at alipin, nagmamay-ari ng malawak na ari-arian, at ang lahi o angkang pinagmulan ay may kantanyagan. Ang mga maginoo na may mababang katayuan na naging prominente sa pamamagitan ng bagong nakuhang kayamanan ay nanunuya na kilala bilang maygintawo (literal na "taong may maraming ginto"; nouveau riche). Sa Vocabulario de lengua Tagala (1613), inihambing ng misyonerong Pransiskanong Espanyol na si Pedro de San Buenaventura ang maygintawo sa mga "dark knights" na nakakuha ng kanilang katayuan sa pamamagitan ng ginto at hindi sa pamagigitan ng kamag-anakang o angkang pinamulan.Ang mga datu ng Tagalog ay mga maginoo na namuno sa isang pamayanan (isang dulohan o barangay, literal na "sulok" at "bangka ng balangay") o may sapat na maraming tagasunod. Ang mga datu na ito ay maaaring namuno sa isang pamayanan (isang pook) o naging bahagi ng isang mas malaking pamayanan (isang bayan, "estado-lungsod"). Bumuo sila ng isang konseho (lipon, lupon, o pulong) at tumugon sa isang soberanong pinuno, na tinutukoy bilang lakan (o ang Sanskrit na titulong raha, "hari"). Pagkatapos ng pananakop ng mga Kastila, ang mga datu na ito ay binigyan ng titulong Don ng Espanyol at itinuring bilang mga pinuno ng lokalidad.

Answered by jeffreynivera397 | 2024-09-01